Thursday, March 31, 2005

Vacation Hulaboos!

Fan Mail, Junk Mail

Bigyan daan natin ang isang liham paghanga....


Dear Leux,

Magandang araw sa iyo...

Una sa lahat, gusto kong malaman mo na isa ako sa mga bilyon-bilyon mong mga tagahanga (kahit milyon lang ang populasyon ng Pilipinas)at lagi akong nakikipagsiksikan sa oil depot kapag mmay grand fans day ka!

Actually, nakakahiya man aminin, stalker mo ko,at di ko akalaing marami kami na stalker mo.Sa dami namin, nagkakasabay-sabay pa kami para silipan ka sa banyo. Kaya lang lagi nakapatay ang ilaw, buti na lang puti ang tiles at nakita namin ang magandang hubog ng katawan mo....pati ang puwit m n parang pisngi ni Subas Herrero...

At saka hinanap ka namin sa MTV youth fair kasi sabi ng president ng Fans Club andun ka daw...pero di ka namin nakita, at andaming nawalan ng pag asa sa buhay dahil sa pangyayaring yon...Pero buti na lng nakakuha kmi ng piktyur ng event. Eto nga oh!

Image hosted by Photobucket.com

Medyo nahirapan kaming hanapin ka dyan...sa sobrang artistahin mo, para kaming naghanap ng isang malaking tipak ng uling sa ihawan...

At idol, sa sobrang pagmamahal namin sayo...hinanap namin ang mga pics mo nung cute ka pa...at eto ang mga nakuha namin....

Image hosted by Photobucket.com

ano ba ginagawa mo sa pic na un?

ska idol, bakit ganun?ayaw namin maniwala sa mga bali-balitang ampon ka...pero bakit anlayo ng itsura mo sa ate mo?

Image hosted by Photobucket.com

Sana'y malinawan ang aming mga agam-agam dulot ng lubos naming paghanga sa iyo...

Magandang araw!


Nagmamahal,

*name witheld*

(itinago po namin ang pagkatao ng sumulat bilang kaligtasan pagkatapos ng mga banta sa kanyang buhay ng ibang tagahanga)



Sa iyo unnamed letter sender,


ikinatutuwa ko ang iyong liham, sa wakas ay mabibigyan linaw ko na ang ilang katanungan...

Ung pic sa MTV Youth Fair, para ka talagang maghahanap ng isang malaking tipak ng uling dahil puro mga tisoy at tisay ang mga katabi ko e...buti nga inilabas ko kahit papano ung ipin ko e, kung hindi...prang may malaking blackhole sa piktyur.

At ung baby pic ko, tignan m naman, parang destiny talaga ng batang yan na maging matinee idol pagdating ng panahon...sayang nga lang at napabayaan sa init ng araw...

at ung ate ko, ganyan talaga...buti na lang wla pa dyan ung pic ng dalawang kapaid ko...mas pogi cla sakin kya wag nyo n cla hanapin...at buitio wala ung pic ng mom ko, dahil napaka mestizahin nun...pero tunay na anak ako...nagkataon lng na recessive genes ung napunta sakin....

nagmamahal,
Leux



Disclaimers

gusto ko lang po bigyan diin na walang katotohanan yung liham...ako lng din ang may gawa nyan...gusto ko lang kc maipost ung mga natitirang pics sa photobucket account ko kya nag isip pa ako ng isang witty na segway...pero mukhang ive come up with an irritating introduction...sana naintindihan nyo na its all in the name of humor....Ganito talaga pag walang magawa sa bahay kapag bakasyon.

Rock oN!

1 comment:

okaonis said...

ang galing na fanmail. Hehe...wag mong sabihin stalker din ako.