Tuesday, March 08, 2005

Kuwentong Barbero

background of the entry

Buong buhay ko laging clean cut ang buhok ko...dahil yun sa kulay ko....at least kapag clean cut mukha lang akong madungis...pero kapag mahaba kasi buhok ko ang tawag na sa itsura ko ay "nanlilimahid".Pero nung mag college ako,sinimulan ko na cia pahabain pero sa likod lng nman, and I have it moderately cut from time to time...

At ang setting ng kwento ay sa parlor...opo, sa bakla ko pinapagalaw ang buhok ko dahil kapag sa barberya ay gagawing parang troso ang buhok mo...pantay na pantay at sukat na sukat.Yun ay dahil ang mga barbero ay mga part time na karpintero din...

Disclaimers

Dun sa mga kaibigan ko na gusto magpakamatay...wag nyo pong kalilimutan na isama ako sa suicide note nyo...kung hindi magtatampo ako senyo....

pag presidente na ko ng PILIPINAS (YEAH!) dahil nalaman kong nakakahyper pala ang chocolate...yun ang ipapakain ko sa mga death convicts para maexcite cla sa araw ng kanilang pagbitay...tsk! puro morbid thoughts ang laman ng utak ko ngayon!



d story goes like dis...

nagpagupit ako ng buhok s "F" (near CEU mendiola) maayos naman akong inasikaso...eto ang nangyari nung gupitan na....

hairdresser: uhmmm...nagpakulay ka ba ng buhok?
ako: hindi po!
hairdresser: ahhhh ibig sbhin, black na black talaga sya...
ako: ganun na nga...
hairdresser: ang ganda...bagay n bagay sa kulay mo, black na black din...nyahahaha! etchos!
ako: (sa isip) hmmmppp may pa etchos2 pa 'tong nalalaman, e diba ung etchos tae un?batuhin ko kya 'to ng etchos... *ngiti na lang*
hairdresser: (mayamaya....) san ang provinvce mo?
ako: d2 lang po ako sa maynila...
hairdresser: ahhh! (sa isip) "akala ko taga banawe rice terraces 'tong customer ko e...nagparebond lang....


Pero in fairness nung matapos ang gupitan sessions ang astig nung kinalabasan...hindi ako nagmukhang troso...para nga akong taga banawe rice terraces na nagparebond......

No comments: